Pinatawan ng P25,000 na multa ng PBA si Terrence Romeo dahil sa kontrobersyal na komento nito sa referee sa laban ng TNT kontra sa Global Port noong Linggo.
Nawagi ang TNT sa nasabing laban sa iskor na 128-114.
Ayon sa pamunuan ng PBA, ang pahayag ni Romeo ay “damaging” sa liga.
Si Romeo ay tinawagan ay natawagan ng tatlong magkakasunod na violation sa huling 4th quarter ng laban.
Hindi tuloy naiwasan na magkumento ng manlalaro sa naging tawag ng referee.
Aniya, tila galing sa ibang planeta ang nakikita ng referee kaya siya na lang ang mag-aadjust at sa susunod ay papasyal sa sa planeta ngmga ito.
Biyernes nang ipatawag si Romeo ni PBA commissioner Willie Marcial kung saan isinilbi sa kaniya ang parusa.