Biyahe ni dating Sen. Jinggoy Estrada sa US mula Apr. 30 hanggang May 30, tuloy ayon sa Sandiganbayan

Pinagtibay ng Sandiganbayan ang nauna nitong desisyon na nagbibigay pahintulot kay dating Senador Jinggoy Estrada na makaalis ng bansa patungong Estados Unidos sa loob ng isang buwan.

Ito ay sa kabila ng mosyon ng prosecution team ng Office of the Ombudsman na kumukwestyon sa biyahe ni Estrada mula April 30 hanggang May 30.

Ayon sa anti-graft court, nabigo ang prosekusyon na patunayan ang iginigiit nitong pineke ni Estrada ang invitation letter mula sa US Pinoys for Good Governance na umano ay nag-imbita sa kaniya sa Amerika.

Sa kaniyang mosyon, sinabi ni Estrada na inimbitahan siya ng USPGG Michigan chapter para maging guest speaker sa event na magaganap sa May 20. Inilakip ni Estrada sa mosyon ang imbitasyon na nilagdaan ni USPGG Michigan head William Dechavez.

Ayon sa korte, hindi naman nakapagpresinta ng ebidensya ang prosekusyon na magpapatunay na peke ang imbitasyon ni Dechavez.

Tanging ang pahayag lang umano ni USPGG national chair Loida Nicholas-Lewis at president Rodil Rodis na nagsasabing hindi nila inimbitahan si Estrada ang iginiit ng ombudsman sa Sandiganbayan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...