Samu’t saring kontrabando nasabat sa Oplan Greyhound sa Cebu Provincial Jail

CDN Photo

Nasabat ang iba’t ibang ipinagbabawal na gamit sa isinagawang Oplan Greyhound sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center (CPDRC), Barangay Kalunasan, Cebu City, Biyernes ng umaga.

Isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Provincial Mobile Force Company (PMFC), Provincial Intelligence Branch (PIB), Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Task Force Cebu ng AFP.

Kabilang sa nasabat sa mga preso ang mga cellphone, mobile chargers, mga pera, sigarilyo, matutulis at matatalas na bagay, at mga drug paraphernalia.

Ito na ang ikalawang greyhound operation na isinagawa sa bilangguan ngayong taon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...