65 anyos na lola sinaksak ng screw driver ang 24 anyos na nobyo dahil sa selos

Police banner

Selos ang sinasabing nag-udyok sa isang 65-year old na lola para saksakin ang kanyang nobyo sa Barangay Santa Monica Novaliches, Quezon City.

Ayon sa hindi kinilalang lola, harap-harapan siyang binastos ng 24-anyos na boyfriend makaraang mag-uwi ito ng babae sa kanilang mismong bahay.

Inakala kasi ng lalaki na wala sa bahay si lola kaya dinala nito ang kaniyang kalaguyo.

Gamit ang isang screw driver, sinaksak ng lola ang boyfriend na nagtamo ng sugat sa likod, braso at mukha.

Tinangka pang pag-ayusin sa barangay ang dalawa pero nagpasya ang mga ito na maghiwalay na lang.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...