Health Sec. Francisco Duque sangkot sa clinical trial ng Dengvaxia ayon sa PAO

Nangangamba si Public Attorney’s Office (PAO) chief, Atty. Persida Acosta na hindi mareresolba at mauwi lamang sa wala ang usapin sa Dengvaxia.

Sa gitna ito ng sunud-sunod na pagkamatay ilang mga bata na nabigyan ng Dengvaxia vaccine.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, ibinunyag ni Acosta na kasama si Secretary Francisco Duque sa mga nag-umpisa ng clinical trial para sa Dengvaxia.

Hindi rin umano sinabi ng kalihim na ang Dengvaxia ang nagiging sanhi ng apat na “fatal risk” na maaaring maging sanhi ng kamatayan ng isang pasyente.

Maliban dito, hindi rin iniutos ni Duque na ipatigil ang pagbibigay ng nasabing bakuna.

Ayon pa kay Acosta, si Duque ay nagsilbi noong consultant ni dating Health Sec. Janette Garin kaugnay sa implementasyon ng programa para sa anti-dengue vaccine.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...