Umaasa ang Amerika na magreresulta ang Inter-Korean Summit sa kapayapaan at kasaganaan para sa buong Korean Peninsula.
Ito ang pahayag na inilabas ng White House kasunod ng makasaysayang pagtapak ni North Korean Leader Kim Jong Un sa South Korea para dumalo sa pulong nila ni President Moon Jae-in.
Ayon sa pahayag ng Office of the Press Secretary, umaasa silang mauuwi para sa kabutihan ng Korean people ang nasabing kaganapan.
Sinabi rin ng White House na tuloy ang koordinasyon ng Amerika sa Republic of Korea.
Tuluy-tuloy din ang pag-uusap at pagpaplano para sa pagpupulong naman nina US President Donald Trump at Kim Jong Un sa nalalapit na panahon.
MOST READ
LATEST STORIES