Nasabat ng pinagsanib na pwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang libu-libong mga undocumented at illegally cut na lumber o tabla mula sa mga hardware stores sa Tobaco City lalawigan ng Albay.
Tinatayang aabot sa P4 na milyon ang kabuuang halaga ng mga nasabat na kahoy.
Sinalakay ng mga otoridad ang tatlong hardware stores sa mga Barangay ng San Ramon, Bonbon, at Pawa sa Tobaco City kung saan natagpuan nila ang patung-patong na mga tabla na pawang lawaan species.
Ayon kay Atty. Eric Czar Nuqui, team leader ng NBI, ilang buwan nilang isinailalim sa surveillance ang nasabing mga tindahan.
Inaresto naman ang anim na katao na pawang mga may-ari ng sinalakay na hardware.
Sila ay maaring maharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 705 o Revised Forestry Code of the Philippines.