Nagkita na sina North Korean leader Kim Jong Un at South Korean President Moon Jae-in para sa makasaysayang summit.
Naglatag ng red carpet sa bahagi ng Panmunjom na isang demilitarized zone na naghihiwalay sa NoKor at South korea.
Tumawid sa border si Kim at nang dumating sa lugar agad silang nagkamay ni Moon.
Lumagda din sa guest book si Kim at saka nagpakuha ng larawan kasama si Moon na maituturing na makasaysayan dahil ito pa lamang ang unang pagkakataon na tumuntong sa South Korea ang lider ng Pyongyang matapos ang 1950s Korean War.
Sa kaniyang mensahe sa guestbook, isinulat ni Kim ang mga salitang “A new history begins now – at the starting point of history and the era of peace”.
Matapos ang mga seremonya ay pormal nang inumpisahan ang summit na inaasahang tatalakay sa kapayapaan sa pagitan ng NoKor at South Korea.