Banaue Rice Terraces nakita sa “Avengers: Infinity War”

Usap-usapan sa social media ang umano ay pagpapakita sa Banaue Rice Terraces sa huling bahagi ng pelikulang “Avengers: Infinity War”.

Pero hindi ito agad nakumpirma dahil may mga kahalintulad din ang Banaue Rice Terraces sa ibang bansa.

Sa Facebook Post ng Indochina Productions, ang production partner ng Marvel nbaka-base sa Thailand, kinumpirma na ang pinag-uusapang shot ay kuha nga sa Pilipinas.

Nakasaad sa FB post ang pagbati sa kanilang team na tumulong para makuhanan ang aerial shot sa Pilipinas.

Inilakip din sa FB post ang larawan ng credit roll at aktwal na kuha sa Banaue.

Ang nasabing shot ay bahagi ng pagtungo ng karakter ni Thanos sa isang ‘farmland’.

Kinumprma din ng Walt Disney Company na sa Banaue Rice Terraces nga kinunan ang huling eksena.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...