Ayon kay Comelec acting Chairman Al Parreno ito ay para maging pulido na ang lahat para sa eleksyon sa darating na Mayo 14.
Aniya sabay-sabay na ‘mock elections’ ang kanilang isasagawa sa mga rehiyon.
Paliwanag pa ng opisyal ito ay para sanayin na rin ang mga guro na magsisilbi bilang chairperson at miyembro ng Board of Election Tellers (BET).
Magugunita na sa ‘mock election’ sa Rosauro Elementary School sa Tondo, nagkahalo ang pagboto sa barangay at SK bagamat lumabas na nahalal bilang barangay chairman si ‘Ricardo Dalisay’ at SK chairman naman si Brandon Cabrera.
Ipinaalala pa ni Parreno na mano-mano ang botohan at pagbilang ng mga boto at huli itong ginawa sa bansa noong 2010.