Stephen Curry muling sasabak sa game matapos ang isang buwang pahinga dahil sa injury

Matapos mamahinga ng isang buwan dahil sa injury balik sa laro ang two-time NBA Most Valuable Player na si Stephen Curry.

Sasabak na si Curry sa laban bukas, araw ng Sabado ng kaniyang koponan na Golden State Warriors sa second-round playoff series laban sa New Orleans Pelicans.

Noong Huwebes muling sumalang sa practice si Curry ayon kay Warriors coach Steve Kerr mula nang makaranas ito ng sprain sa kanang tuhod noong March 23.

Ayon kay Kerr 100 percent ang ipinakita ni Curry sa practice at maayos na ang kondisyon nito.

Muling sasabak sa practice ngayong araw si Curry at kung wala nang magiging problema ay sasabak na ito sa game sa Sabado.

Hindi nakapaglaro si Curry sa mga nagdaang laban nito kung saan tinalo nila ang San Antonio Spurs.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...