Heat Index sa Dagupan City kahapon umabot sa 48.2 degrees Celsius

Mainit na temperature pa rin ang naitala kahapon sa maraming lugar sa bansa.

Ayon kay PAGASA weather specialist Gener Quitlong, ang Dagupan City ang nakapagtala ng pinakamataas na temperature kahapon na umabot sa 36.9 degrees Celsius.

Sinundan ito ng Cabanatuan City na nakapagtala ng 36.6 degrees Celsius at Sangley Point, Cavite na 36.5 degrees Celsius.

Pero ang heat index na naitala sa Dagupan City kahapon ay pumalo sa 48.2 degrees Celsius. Ang bayan ng Ambulong sa Batangas; ang Cabanatuan; at ang Cuyo, Palawan ay nakapagtala ng heat index na 45 degrees Celsius at sa Sangley Point, Cavite ay 44.6 degrees Celsius.

Ayon kay Quitlong wala pa ring bagyo o sama ng panahon na namataan sa loob o labas ng Philippine Area of Responsibility.

Tanging ang easterlies ang nakaaapekto sa bansa at naghahatid ng maaliwalas pero mainit na panahon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...