Mga manggagawa magsasagawa ng kilos protesta sa May 1

Inanunsyo ng isang labor group na magsasagawa sila ng kilos protesta sa May 1 bilang pagtuligsa sa hindi pag-iisyu ni Pangulong Rodrigo Duterte ng executive order na magpapatigil sa kontraktwalisasyon.

Ayon kay Elmer Labog ng Kilusang Mayo Uno (KMU), isang indignation rally ang kanilang gagawin sa buong bansa.

Sa isang joint statement ng KMU at Nagkaisa Labor Coalition, sinabi ng mga ito na sa loob ng dalawang taon ay nakiisa sila sa labor summit na isinagawa ng Department of Labor and Employment (DOLE), tatlong beses nakipagdayalogo kay Pangulong Duterte, at bumalangkas ng EO para matigil na ang kontraktwalisasyon ngunit wala pa rin itong kinahantungan.

Kaya naman sa May 1 ay magmamartsa ang nasa 60,000 mga manggagawa sa Metro Manila papuntang Mediola, habang 150,000 na mga manggagawa naman ang magsasagawa ng kilos protesta sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Read more...