Upang mas mapabilis ang pag-aasikaso ng mga motorista sa mga dokumentong kakailanganin mula sa Land Transportation Office (LTO), ay inilunsad ng ahensya ang kanilang online appointment system.
Sa naturang system, maaari nang magtakda ang mga motorista ng appointment online ng kanilang license renewal o hindi kaya ay rehistro ng sasakyan.
Noong Martes, April 24 ito sinimulang ilunsad ng ahensya.
Gayunman, maaari pa lamang magamit ang online appointment system sa apat na distrito partikular sa Marikina, Muntinlupa, Novaliches at Pasig.
Kailangan lamang i-access o buksan ang www.lto.net.ph para mapakinabangan ang serbisyo.
Balak ng tanggapan na maipatupad ang naturang sistema sa buong bansa bago matapos ang 2018.
Inaasahang malaki ang maitutulong nito sa mga motorista lalo na sa pagtitipid sa kanilang oras.