Babaeng may pending warrant arestado sa Makati City

Nasakote na ng mga otoridad ang isang babae na may pending warrant of arrest sa Quezon City.

Nakilala ang suspek na si Cecilia Grace Belardo, 49 na taong gulang.

Mayroong pending warrant of arrest si Belardo na inisyu ni Judge Evangeline Castillo ng Regional Trial Court Branch 101 para sa kasong estafa na nakahain sa Quezon City.

Ayon sa mga otoridad, naaresto si Belardo sa inuupahan nitong condominium/apartment sa U20G Orchid Tower, Oriental Garden sa kahabaan ng Chino Roces Avenue sa Makati City.

Samantala, bagaman arestado ay maaaring pansamantalang makalaya si Belardo kung makakapagbigay ito ng P40,000 piyansa.

Read more...