Nuclear test site ng NoKor gumuho

Lumabas sa pag-aaral ng mga Chinese geologist na ang bundok sa taas ng nuclear test site ng North Korea ay gumuho na dahil sa mga naganap na pagsabog.

Batay sa resulta ng pag-aaral ng University of Science and Technology of China, hindi na ligtas pang gamitin ang lugar para sa karagdagang nuclear testing.

Kailangan na rin itong patuloy na imonitor dahil sa posibleng pag-leak ng radiation.

Ito rin umano ang posibleng dahilan kung bakit tumigil na ang NoKor sa paglulunsad ng mga nuclear weapons.

Ayon pa sa pag-aaral, posible na ang mga nagaganap na pagyanig ay dahil sa “onsite collapse.”

Partikular na nagaalala ang China sa mga isinasagawang nuclear tests ng NoKor dahil 100km lamang ang layo ng test site sa border ng China, na nakararanas na rin ng mga pagyanig.

Sa ngayon ay wala namang nakikitang radiation risk sa mga residente ng China.

Read more...