Gumawa ng kasaysayan sa pinilakang tabing sa Pilipinas ang pelikulang ‘Avengers: Infinity War.’
Ito’y matapos kumita ang nasabing pelikula ng P141.6 milyon para lamang sa unang araw nito sa mga sinehan na pinakamalaking kita sa buong kasaysayan ng industriya ng pelikula.
Napatalsik rin ng ‘Avengers: Infinity War” ang single-day box office record ng ‘Beauty and the Beast’ noong nakaraang taon, kung saan kumita ito ng P100.3 milyon.
Samantala, kaliwa’t kanan na ang mga naglalabasang spoilers tungkol sa nasabing pelikula.
Sa katunayan ay viral na rin sa social media ang iba’t ibang mga meme patungkol sa mga nagbabanta sa pagkakalat ng spoilers ng ‘Avengers: Infinity War.’
Nagkakabiruan pa nga ang mga netizen na hahantong sa ‘friendship over’ ang sinumang maglalabas sa spoiler ng ‘Avengers: Infinity War.’