Pangulong Duterte lumipad na papuntang Singapore para sa 32nd ASEAN Summit

Pumunta na si Pangulong Rodrigo Duterte sa Singapore para sa 32nd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sakay ng isang 8-seater private plane.

Ayon sa Malacañan, sinakyan ng pangulo ang isang jet para makatipid ng pera ang gobyerno.

Sa kanyang departure speech bago pumunta sa Singapore, sinabi ng pangulo na hiniram ang jet pero kailangang bayaran ang gasolina at allowance ng mga piloto at stewardess.

Gusto sanang ipakita ng pangulo sa media ang sasakyan nitong jet pero hindi ito natuloy. Sinabi naman nito na nasa harap lang ito kung saan siya nagtalumpati.

Una nang sinabi ng Palasyo na mas maliit ang delegasyon ng pangulo sa ASEAN summit sa Singapore.

Read more...