Ito ayon kay Bertiz ay kasunod ng pagpapalayas at pagdedeklarang persona non grata kay Ambassador Rene Villa ng Kuwaiti Government.
Sinabi ni Bertiz na mayroon pang nasa 800 hanggang 900 mga OFW ang nasa dalawang shelter ng Philippine Embassy sa Kuwait.
Gayunman, hindi anya ito registered extention ng embahada kaya anumang oras ay maaring salakayin ng pamahalaan ng Kuwait.
Bukod pa anya rito ang iba pang undocumented OFW at mga may legal na papeles sa nasabing bansa kasama pa ang mga embassy staff.
Bagama’t walang koordinasyon ang tinaguriang ‘rescue operations’ sa Kuwaiti govt paliwanag ni Bertiz hindi naman maaring pabayaan ang mga OFW na humihingi ng tulong at gusto nang makatakas sa kanilang mga amo o kaya naman ay nais nang umuwi ng bansa.