Ambassador ng Kuwait sa Pilipinas, umalis na ng bansa

Umalis ng Pilipinas si Kuwaiti Ambassador Musaed Saleh Ahmad Althwaihk matapos itong i-recall ng kanyang bansa.

Ang pag-alis ng Kuwaiti ambassador ay sa gitna ng isyu ng pagligtas ng Philippine Embassy sa Kuwait sa mga Pinay domestic workers na umanoy inabuso ng kanilang amo.

Una rito ay ipinatawag ng DFA ang Kuwaiti envoy matapos namang palayasin at ideklarang persona non-grata sa Kuwait si Philippine Ambassador Renato Villa.

Naghain ang DFA ng diplomatic note sa embahada ng Kuwait sa Pilipinas para iparating ang pagkabahala sa ginawa kay Villa, patuloy na pagkulong sa apat na tauhan ng Philippine Embassy at pagpapaaresto sa tatlong diplomatic personnel ng embahada sa naturang Arab country.

Iginiit ng ahensya na tiniyak ni Saleh kay DFA Sec. Alan Peter Cayetano na pwedeng manatili si Villa sa Kuwait hanggang sa pagtatapos ng tour of duty nito.

Wala namang pahayag ang ahensya sa biglaan pag-alis ng Kuwaiti Ambassador gayung sinabi nito na gusto ng kanilang gobyerno si Ambassador Villa.

Read more...