Sen. Legarda, nangangambang maapektuhan ang bilateral relations ng Pilipinas at Kuwait

Nakakalungkot ayon kay Senator Loren Legarda ang naging pasya ng gobyerno ng Kuwait na pagpapaalis kay Ambassador Renato Villa sa kanilang bansa.

Ito ay sa kabila ng mga pag-uusap para mapagtibay ang relasyon ng dalawang bansa.

Binigyang din ng senador na bahagi ng foreign policy ng ating bansa ang pagbibigay proteksiyon sa mga Pilipinong nasa ibayong dagat.

Iginiit din ni Legarda na importante na manitiling bukas ang dayalogo sa dalawang bansa.

Kasunod pa rin ito ng nag-viral na video ng mga staff ng Philippine Embassy sa Kuwait na nire-rescue ang mga Pinoy domestic workers.

Read more...