DFA naghain na ng reklamo sa akyon ng Kuwait sa mga embassy officials ng Pilipinas

Inquirer file photo

Opisyal nang naghain ang Department of Foreign Affairs ng diplomatic note sa embahada ng Kuwait.

Ito ay para iparating ang pagka-sorpresa at pagkabahala ng Pilipinas sa pagdedeklara ng Kuwait kay Ambassador Renato Villa bilang persona non grata, patuloy na pagdetine sa apat na tauhan ng Philippine Embassy at pag iisyu ng warrant of arrest sa tatlong diplomatic personnel nito.

Naniniwala ang DFA na taliwas ito sa ibinigay na kasiguruhan na Kuwaiti ambasador sa mga isyu na ipina-alam dito ni Foreign Affairs Alan Peter Cayetano sa pulong nito noong April 24, 2018.

Una nang tiniyak ni Ambassador Musaed Saleh Ahmad Althwaikh kay Cayetano na welcome sa kanila ang pananatili ni Ambassasor Villa sa Kuwait at wala silang problema dito.

Tiniyak din aniya ng Kuwaiti Ambassador kay Cayetano ang mabilis na pagresponde nito mga hinaing ng mga Filipino sa kanilang bansa.

Ipinatawag na ng DFA ang Kuwaiti Ambassador pero napag-alaman na pinauwi ito sa kapitolyo ng Kuwait.

Nais ng kagawaran na makakuha ng paliwanag mula sa Kuwaiti envoy kung ano ang nangyari sa kanilang usapan.

Read more...