Mga opisyal na nag-iinspeksyon sa housing project sa Zamboanga City, nahulog sa ilog

Inquirer Mindanao Photo | Julie Alipala

Gumuho ang bahagi ng footbridge na yari sa kahoy sa Zamboanga City habang nagsasagawa ng inspeksyon ang mga opisyal ng pamahalaan sa mga pabahay para sa mga bitkima ng Zamboanga Siege.

Nahulog sa ilog sina Zamboanga City Mayor Beng Climaco, House Committee on Housing and Urban Development Chairman Cong. Albee Benitez at Zamboanga District 1 Rep. Celso Lobregat kasama ang iba pang opisyal ng National Housing Authority.

Nagsasagawa ng inspeksyon ang mga opisyal nang bumigay ang footbridge kaya nahulog sila sa ilog sa Sitio Hongkong, Barangay Rio Hondo.

Makalipas ang ilang minuto gumuho din ang isa pang tulay na kalapit.

Iniutos naman ni Mayor Climaco ang agarang repair sa tulay.

Ang footbridge ay bahagi ng Zamboanga City Roadmap to Recovery and Reconstruction (Z3R) project.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...