Ex-Senator Lito Lapid balak bumalik sa Senado

Inquirer File Photo

Ibinahagi ni Senate Majority Leader Vicente ‘Tito’ Sotto III na may paramdam na si dating Senator Lito Lapid sa balak nitong bumalik sa Senado.

Ayon kay Sotto napag-usapan na nila ni Senators Ping Lacson at Gringo Honasan ang tungkol sa sinasabing plano ni Lapid at aniya pabor ang dalawang senador.

Ibinahagi pa nito na iisa ang kanilang pagkakakilala kay Lapid at ito ay diretso at may paninindigan.

Ang tatlong senador ang tatayong campaign managers ng tinaguriang ‘The Force,’ ang grupo ng anim na re-electionist senators na sina Senators Grace Poe, Sonny Angara, Nancy Binay, Bam Aquino, JV Ejercito, at Cynthia Villar.

Ngunit sinabi pa ni Sotto na ang isyu kay Lapid ay tatalakayin pa nila sa mga reelectionist nilang kasamahan.

Nagsilbi bilang senador si Lapid simula 2004 hanggang 2016.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...