Apela ng negosyanteng si Peter Lim ipinababasura ng OSG sa DOJ

Pinababasura ng Office of the Solicitor Heneral (OSG) sa Department of Justice (DOJ) ang hiling ng negosyanteng si Peter Lim na pagtibayin ang resolusyong nagdi-dismiss sa kaso ng iligal na droga laban sa kanya.

Iginiit ng OSG, bilang kinatawan ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na ang paglunsad ng panibagong preliminary investigation ng DOJ ay batay sa batas, rules of procedure at jurisprudence.

Dagdag ng OSG, malinaw na may rason si noo’y Justice secretary Vitaliano Aguirre na posibleng hindi makamit ang hustisya sa pagbasura sa mga kaso ng droga laban kay Lim at iba pang drug personalities.

Ipinunto ng OSG ang pag-amin sa pagdinig ng Senado ng isa pang akusado na si Kerwin Espinosa ang pagkakasangkot sa kalakaran ng iligal na droga. Idinnawit din ni Espinosa sa kanyang judicial affidavit sina Lim, at convicted drug lord na si Peter Co.

Reaksyon ito ng OSG sa mosyon ng kampo ni Lim na inakusahan si Aguirre na ibinatay lamang sa pulso ng publiko ang pagpapatuloy pa ng preliminary investigation sa kaso.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...