Mga nag-aabang ng resulta ng bar exams maagang nagtipon sa Korte Suprema

Radyo Inquirer Photo

Maagang dumating sa Korte Suprema ang mga naghihintay ng resulta ng 2017 bar examinations.

Ang iba maagang nagputa sa SC para magpakita ng suporta sa mga kaibigan nilang kumuha ng pagsusulit.

Kahit mamayang hapon pa ang release ng resulta ilan sa mga kumuha ng pagsusulit ang maagang nag-abang sa Supreme Court Building sa Padre Faura sa Maynila.

Sa abiso ng Korte Suprema, ala 1:15 ng hapon opisyal na iaanunsyo ni Justice Lucas Bersamin ang resulta ng bar exams.

Alas 10:00 ng umaga nang simulan ng Supreme Court en banc ang special session para magsagawa ng deliberasyon kung saan tinukoy nila ang passing rate.

Ilalagay ang pangalan ng mga papasa sa malaking screen sa harap ng SC quadrangle at maari din itong makita sa website ng SC.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...