Kasabay ng unang araw nang pagsasara ng isla, simula na rin ngayon ang libreng pagsasanay ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa mga mangagawa at residenteng apektado ng rehabilitasyon ng Boracay.
Base sa contigency plan na inilatag ng ahensiya para sa mahigit 73,000 residente ng kabilang sa programa ang mahigit 17,000 na rehistradong manggagawa rito.
Ayon kay Joel Villagracia, TESDA Provincial Director ng Aklan, kabilang sa mga ibibigay nilang pagsasanay ay may kinalaman sa Agri-Business, Information Technology, Semi-conductors at Electronics sa ilalim ng Training for Work Scholarship Program.
Mayroon din Special Training for Employment Program kung saan maaring makapagsanay ng manicure, pedicure, pananahi, massage therapy at paggawa ng tinapay.
May allowance at mga gamit sa pag-aaral ang mga matatanggap sa training.
Batay sa ilalim ng Action Plan Save Boracay, tatagal hanggang Hunyo 30 ang pagsasanay para sa unang bahagi nito.
Samantala, ang enrollment naman ng second batch ay magsisimula sa Hunyo 15 at ang training ay tatagal hanggang Setyembre 30.