LOOK: Bahagi ng Las Pinas, Muntinlupa at Caloocan mawawalan ng suplay ng tubig

May nakatakdang water interruption ngayong araw sa bahagi ng Las Pinas, Muntinlupa at Caloocan.

Sa abiso ng Maynilad, alas 11:00 ng gabi mamaya hanggang alas 3:00 ng madaling araw bukas ang water interruption sa bahagi ng Barangay Almanza Dos sa Las Pinas City at sa Barangay Poblacion at Tunasan sa Muntinlupa.

Ito ay dahil sa maintenance activity ng Maynilad sa Daang Hari Pump Station.

Samantala, alas 11:00 ng gabi din hanggang alas 4:00 naman ng madaling araw bukas ang water interruption sa bahagi ng Barangay 152 sa Caloocan City.

Dahil naman ito sa maintenance activity sa Macaneneng kanto ng Bangkal.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...