2 arestado sa buy bust operation sa QC

Arestado ang dalawang tulak ng droga sa buy bust operation na isinagawa ng mga awtoridad sa Brgy. San Roque, Cubao, Quezon City.

Naganap ang operasyon kaninang ala-1:40 ng madaling araw.

Nakilala ang mga suspek na sina Loreza Menzon, 47 anyos at Bobby Menzon, 52 anyos na pawang mga residente ng Brgy. San Roque.

Napag-alamang dati nang drug surrenderee ang isa sa mga suspek.

Nasamsam sa dalawa ang 14 na sachet ng hinihinalang shabu, dalawang plastic box na naglalaman ng hinihinalang shabu, at pinaghihinalaang drug money na aabot sa P380.

Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...