Pinakamainit na temperatura kahapon naitala sa Cabanatuan City

Ang lungsod ng Cabanatuan ang nakapagtala ng pinakamataas na temperatura kahapon ayon sa PAGASA.

Ayon kay PAGASA weather specialist Obet Badrina, 36.7 degrees Celsius ang naitalang pinakamainit na temperatura kahapon sa Cabanatuan City.

Sa bayan naman ng Ambulong sa Batangas nakapagtala ng 36.2 degrees Celsius at ang ikatlo sa may pinakamainit na temperatura kahapon ay naitala sa Port Area sa Maynila na umabot sa 35.4 degrees Celsius.

Ang tatlong lugar naman na nakapagtala ng pinakamataas na heat index kahapon ay ang Calapan, Oriental Mindoro – 46.4 degrees Celsius; Cuyo, Palawan – 44.9 degrees Celsius at ang Sangley Point sa Cavite – 43.5 degrees Celsius.

Ayon kay Badrina ngayong araw, eastelies pa rin ang weather system na umiiral sa bansa.

Magdudulot ito ng maaliwalas subalit maalinsangang panahon na mayroong isolated na pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...