Unang tumama ang magnitude 3.7 na lindol sa 31 kilometers south ng Looc, alas 12:09 ng madaling araw.
Ayon sa Phivolcs, 2 kilometers lang ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Makalipas ang ilang minuto, tumama naman ang magnitude 3 na lindol sa bayan pa rin ng Looc.
Naganap ang ikalawang lindol alas 12:18 ng madaling araw sa 31 kilometers East ng nasabing bayan.
Samantala, niyanig naman ng magnitude 3.3 na lindol ang bayan ng Catarman sa Northern Samar ala 1:41 ng madaling araw.
Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang tatlong lindol.
MOST READ
LATEST STORIES