Resulta ng Bar Exams 2017, nakatakdang ilabas ngayong araw

Nakatakdang ilabas ngayong araw ng Korte Suprema ang resulta ng 2017 Bar Exams.

Sa advisory na inilabas sa Twitter ng Supreme Court PIO noong April 12, sinabi nitong ngayong araw ilalabas ang resulta ng pagsusulit.

Ang pangalan ng mga bagong abogado ay ipa-flash sa screen sa SC at ipo-post din sa website matapos ang official announcement ni Associate Justice Lucas Bersamin na siyang chair ng naganap na 2017 Bar Exams.

Naganap ang Bar Exams noong apat na Linggo ng Nobyembre noong 2017.

Nilahukan ito ng 7,227 examinees mula Novermber 5, ngunit 6,750 lang sa mga ito ang nakatapos sa pagsusulit.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...