6 buwang pagsasara sa isla ng Boracay, simula na ngayong araw

Simula na ngayong araw ng anim na buwang pagsasara sa isla ng Boracay.

Ito ay upang bigyang daan ang rehabilitasyon sa isla matapos itong tawagin ni Pangulong Rodrigo Duterte na “cesspool’ noong Pebrero.

Isiniwalat ng pangulo ang problema sa sewerage system ng naturang tourist destination.

Ang pagsasara sa Boracay ng anim na buwan ay base na rin sa rekomendasyon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Interior and Local Government (DILG), at Department of Tourism (DOT).

Tanging ang mga residente at mga manggagawa na may identification cards lamang ang papayagang makapanatili sa isla habang isinasagawa ang rehabilitasyon.

Inaasahang sa Oktubre muling bubuksan ang isla.

Read more...