Technical working group binuo ng DOLE para sa posibleng deployment ng OFWs sa Russia

Bumuo ang Deparment of Labor and Employment (DOLE) ng isang technical working group (TWG) na mangunguna para sa mga diskusyon at pagpupulong kasama ang Russia sa posibleng deployment ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa naturang bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ni DOLE Sec. Silvestre Bello III na kasalukuyang isinasagawa ang negosasyon kasama ang Russian Federation.

Nakikita anya ang Russia bilang isang ‘alernative market’ para sa mga OFWs na nais magtrabaho sa ibang bansa.

Anya pa, mayroong demand para sa mga construction at household workers sa naturang bansa.

Inatasan ang binuong TWF na bumuo ng ‘program of activities’ para sa serye ng mga policy consultations sa pagitan ng Pilipinas at Russia.

Kabilang na rin dito ang pagpupulong ng mga employment officials ng Pilipinas at kanilang counterparts sa Russia upang pag-usapan ang mga polisiya para sa proteksyon ng mga Filipino workers.

Pinangungunahan ang binuong TWG ng Undersecretary for Legal and International Affairs at suportado ng POEA Administrator bilang Vice-Chairperson.

Read more...