‘Deeply disturbing.’
Ito ang naging reaksyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) matapos bigyan ng Kuwaiti government si Philippine Ambassador Renato Villa ng isang linggo para umalis sa kanilang bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ng DFA na nababahala sila sa naging aksyon ng pamahalaan ng Kuwait, lalo na’t taliwas ito sa naging pahayag at paninigurado ni Kuwaiti Ambassador Musaed Saleh Ahmad Althwaikh nang magpulong sila ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano noong Martes.
Kakausapin ngayong araw ng DFA si Ambassador Saleh upang malaman kung bakit nag-iba ang desisyon ng Kuwait. Ito ay kasunod ng naunang kasunduan ng dalawang mga bansa na magpapatuloy ang magandang ugnayan ng Pilipinas at Kuwait.
Samantala, naninindigan naman ang DFA na pangunahing pagtutuunan ng pansin ng pamahalaan ang maprotektahan ang kapakanan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) hindi lamang sa Kuwait, ngunit maging sa ibang mga bansa.