Paraan para malabanan ang pagdami ng mga lamok ilulunsad sa Brazil

Nadiskubre ng United Nations (UN) ang sinasabing ‘breakthrough’ upang malabanan ang pagdami ng mga lamok at pagkalat ng Zika virus.

Pakakawalan sa bansang Brazil ang mga drones na naglalaman ng milyun-milyong mga sterile na lalaking lamok na silang makikipag-mate sa mga babaeng lamok.

Dahil sterile ang mga lalaking lamok ay hindi ito makakabuo ng anumang offspring, partikular na ang mga Zika at dengue carrying mosquitos.

Bago ito ilunsad sa kabuuan ng Brazil ay nagkaroon muna ng research sa northeastern potion ng Brazil kung saan 280,000 na sterile na mga lamok ang pinakawalan.

Ayon kay UN International Atomic Energy Agency (IAEA) scientist Jeremy Bouyer, lumabas sa nasabing pag-aaral na posibleng mababawasan ng halos 99% ang populasyon ng mga lamok.

Batay sa datos ng World Health Organization, ilang milyong katao ang namamatay kada taon sa buong mundo dahil sa mga sakit na dala ng mga lamok na Aedes aegypti.

Read more...