Streetboys nagpakitang gilas para sa kanilang 25th anniversary

Jhong Hilario Instagram

Dalawamput limang taon man ang nakalipas ay pinatunayan ng dance group na Streetboys na kaya pa rin nilang sabayan ang mga kabataang dancers ngayon.

Ito ay matapos nilang sorpresahin ang kanilang mga tagahanga sa pamamagitan ng isang dance video para sa kanilang 25th anniversary.

Sa video na pinost ng isang member ng grupo na si Michael Sesmundo ay makikita ang iba pang mga miyembro ng Streetboys kagaya nila Vhong Navarro, Spencer Reyes, Nicko Manalo, Danilo Barrios, at iba pa na sinasayaw ang “The Sign.”

Hindi magkakasama ang Streetboys sa nasabing video, at kanya-kanya lamang nilang kinuhanan ang mga sarili habang sinasayaw ang “The Sign.”

Nagpost naman ng throwback picture ng grupo si Jhong Hilaro sa kanyang Instagram account.

Sa ngayon ay viral na ang video at mayroon nang mahigit 47,000 reactions; 32,000 shares; at 1.3 milyong views.

Read more...