Bahay ni Ricardo Parojinog tinupok ng apoy

Nasunog ang bahay ng wanted na konsehal na si Ricardo Parojinog sa Barangay Bagacay, Ozamiz City madaling araw ng Miyerkules.

Ayon kay Ozamiz City Fire Marshal Fire Senior Inspector Wilfredo Cagatan, ala-1 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy. Ngunit bandang alas-4:30 na ng umaga nang dumating ang mga bumbero dahil wala namang nakapagreport tungkol sa insidente.

Batay sa inisyal na imbestiasyon ng mga otoridad, posibleng mayroong foul play o sinadya ang pagkasunog ng bahay.

Nasa P600,000 ang kabuuang pinsala dahil sa nangyaring pagliliyab.

Samantala, hinahanap ng mga otoridad ang caretaker ng bahay dahil hindi ito nagpakita nang maganap ang sunog.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa insidente.

Read more...