Mag-livein partner arestado sa buy bust operation sa Marikina

Arestado sa pamamagitan ng buy bust operation ng Marikina City Police Drug Enforcement Unit ang mag-live in partner na napag-alamang nagbebenta ng iligal na droga.

Ayon kay Superintendent Roger Quesada, hepe ng Marikina City Police Station, nahuli ang mga suspek na sina Mary Greg Batidor at Maria Esmeralda Bae sa No. 57, Sprint Street sa Barangay Concepcion Uno.

Nakumpiska sa dalawa ang apat na sachet ng pinaghihinalaang shabu.

Narekober din ang marked money na ginamit sa pagbili ng droga.

Sina Batidor at Bae ay dinala sa Eastern Police District Crime and Laboratory para sa drug testing at eksaminasyon ng ebidensya.

Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...