Sa kanyang talumpati sa Buluan, Maguindanao, tiniyak ng pangulo na ngayon taon ay uunahin at kukumpletuhin ang BBL.
Noong April 2 ay ipinangako na rin ito ng pangulo sa Sultan Kudarat kung saan sinabi pa nito na nagmamadali ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na matapos ang BBL.
Nangako rin ang pangulo na isertipikang urgent ang panukalang batas matapos makausap sina Senate President Koko Pimentel at House Speaker Pantaleon Alvarez.
Una na ring sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na committed ang mga mambabatas na ipasa ang bill sa May 30.
Layon ng BBL na tapusin ang ilang dekadang gulo sa Mindanao sa pamamagitan ng pagbuo ng political entity na papalit sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).