Mono Vampire at Alab Pilipinas tie sa Game 2 ng ABL Finals

Patas na ngayon ang Mono Vampire at Alab Pilipinas para sa Finals ng 2018 ASEAN Basketball League.

Ito ay matapos talunin ng pambato ng Thailand ang koponan ng Pilipinas sa Game 2 ng ABL Finals na naganap sa Sta. Rosa Multipurpose Complex.

Natapos ang laro sa iskor 103-100, pabor sa Mono Vampire.

Pinangunahan ni Sam Deguara ang Mono Vampire matapos nitong magbigay ng 30 puntos at sinundan ni Michael Singletary na may 26 points.

Samantala, para naman sa pambato ng Pilipinas, si Renaldo Balkman ang nakapagbigay ng pinakamaraming puntos sa pamamagitan ng kanyang 37 baskets.

Magaganap ang Game 3 ng finals sa Sabado, April 28 sa Stadium 29 sa homecourt ng Mono Vampire sa Bangkok, Thailand.

Read more...