Mga may sakit na nangangailangan ng ayuda, pinadudulog sa Malakanyang

Hinikayat ni Special Assistant to the President Bong Go na magtungo lamang sa kanyang tanggapan ang mga may sakit na nangangailangan ng ayuda.

Ayon kay Go, ito ay dahil sa may nakalaang dalawang milyong pisong pondo ang kanyang tanggapan para ipamahagi sa mga nangangailangan.

Ilan lamang sa problemang nailapit at natugunan na ni Go ang ang mga tinamaan ng sakit tulad ng cancer, kidney diseases, leukemia, chronic disorders at iba pang sakit kung saan binigyan nya medication hospitalization assistance ang mga ito.

Samantala, maliban sa medical assistance, tinugunan din ni Go ang ilang agricultural at livelihood assistance.

Read more...