Pangulong Duterte, sasaksihan ang paglagda sa kasunduang magbibigay proteksiyon ng mga OFW dito sa Pilipinas

Sasaksihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pirmahan ng kasunduan kaugnay ng proteksyon ng mga pinoy domestic workers dito sa Pilipinas at hindi sa Kuwait.

Inaasahan na magaganap ang paglagda sa agreement bago ang Ramadan na magsisimula sa May 15.

Ayon kay Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano, inaayos ng Pilipinas at Kuwait na mapirmahan ang kasunduan at masaksihan ito ng pangulo bago ang banal na buwan ng mga Muslim, dahilan aniya kaya sa bansa magaganap ang paglagda at hindi sa Kuwait.

Si Cayetano ay nauna na sa Singapore para sa dalawang araw na 32nd ASEAN Summit.

Paliwanag pa ng kalihim, maikli lang ang panahon para paghandaan ang pagpunta ng pangulo sa Kuwait kaya dito na niya sasakihan ang pagpirma sa agreement.

Samantala, imumungkahi pa rin ni Cayetano sa pangulo na pumunta sa Kuwait dahil naghihintay sa kanyang 260,000 na mga Pilipino roon kung saan 170,000 ay domestic helpers.

Read more...