Gordon, dinepensahan ni Pimentel sa Dengvaxia Report

INQUIRER PHOTO/LYN RILLON

Ipinagtanggol ni Senate President Koko Pimentel si Senator Dick Gordon sa kanilang mga kapwa senador na bumabatikos dahil sa istilo ng pagsasagawa ng mga pagdinig nito.

Ayon kay Pimentel wala siyang nakikitang mabigat na dahilan para palitan si Gordon bilang pinuno ng Senate Blue Ribbon Committee.

Una nang nagpahayag ng pagkadismaya ang ilang senador kay Gordon dahil sa ginagawa nitong tila pagmando sa mga pagdinig ng komite.

Sinabi ng mga senador na nakakawalang gana na dumalo pa sila sa pagdinig dahil hindi sila nabibigyan ng sapat na panahon na magtanong sa mga resource persons dahil si Gordon na lang ang parating nagsasalita.

Pagdidiin ni Pimentel, mapapag-usapan at mareresolba naman ng maayos kung ‘airtime’ lang sa pagdinig ang isyu ng mga kapwa nila senador kay Gordon.

Read more...