Ayon kay Barbers, dapat kasuhan ang mga ito dahil sa stress at inconvenience na idinulot sa mga pasahero.
Kailangan aniyang sampahan ng kaso ang mga drivers sa korte upang mapanagot sa paglabag na ginawa.
Nauna dito ay pinatawan ng suspensyon ng Grab ang 500 drivers nito dahil sa mga reklamo ng kanselasyon at pamimili ng byahe.
Samantala, tinawag namang lokohan ni PBA Party list Rep. Jericho Nograles ang pahayag ng Grab na 25% na lamang ng mga GRAB drivers ang hindi makakakita ng destinasyon upang mabawasan na ang cancellation rate.
Kung seryoso aniya ang Grab sa pagsunod sa batas dapat ay 100% o lahat na ng mga Grab drivers ang hindi na makakakita ng destinasyon at hindi 25% lamang.