Bagong hepe ng QCPD, target ang mas maigting na rehabilitasyon sa mga sumukong drug personalities

Kuha ni Mark Makalalad

Opisyal nang nailipat ang pamumuno sa Quezon City Police District (QCPD).

Ito’y matapos manumpa sa kaniyang pwesto si Chief Supt. Joselito Esquivel bilang bagong director ng distrito kapalit ni Region 4-A Director Guillermo Eleazar.

Naganap ang turn over sa Camp Caringal kaninang alas-9:30 ng umaga na dinaluhan ni National Capital Region Police Office Chief Camilo Cascolan bilang panauhing pandangal.

Sa kanyang mensahe, nangako si Esquivel na ipagpapatuloy nya ang mga magandang nasimulan ni Elezar sa QCPD.

Sinabi nya rin na hindi nya bibiguin ang direktiba sa kanya ni PNP Chief Oscar Albayalde.

Dagdag pa nya, sa kanyang panungkulan, hindi lang anti-drug operations ang magiging focus kundi bibigyang pansin din ang rehabilitasyon sa mga sumukong drug suspects sa pamamagitan ng community-based rehabilitation.

Hindi nya rin nakalimutan ang media dahil kanyang sinabi na magpapa-organize sya ng “fun days” para sa mga mamamahayag.

Si Esquivel ay miyembro ng PMA Maringal Class of 1988.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...