Deportation order laban kay Sr. Patricia Fox kinondena ng Makabayan bloc sa kamara

Inquirer Photo | Julie Aurelio

Mariing kinondena ng mga kongresista mula sa Makabayan bloc ang deportation order at pagkansela ng missionary visa na ipinalabas ng Bureau of Immigration laban sa Australian Sister Patricia Fox.

Ayon kay Anakpawis Rep. Ariel Casilao, ang deportation order laban kay Sr. Fox ay nagpapakita lamang ng crackdown ng pamahalaan hindi lamang sa mga kritiko kundi maging sa mga nagsusulong ng kapakanan ng mga mahihirap.

Ang kaso anya ni Sr. Fox ay banta sa mga tulad nitong dayuhan na sumusuporta sa mga mahihirap na Filipino lalo na ang mga indigenous people at mga magsasaka.

Kinondena rin nito ang BI dahil sa aniya ay pagpapagamit sa gobyerno upang habulin ang mga katulad ng madre na nakatuon sa pagtulong sa mga mahihirap

Hindi anya makatarungan ang desisyon ng BI laban sa dayuhang misyonero dahil ang tanging nagawa nitong krimen ay ang kanyang adbokasiya.

Hinikayat naman nito ang publiko na tulungan upang maprotektahang hindi ma-deport si Sr. Patricia Fox.

Para naman kay kabataan Rep. Sarah Elago ang pasya ng BI laban sa madre ay patunay lamang ng crackdown sa mga aktibista at maging ang dayunang misyonero na tumutulong sa mga mahihirap ay pinupuntirya rin.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...