Robbery suspect patay sa engkwentro sa San Pedro, Laguna

Police banner

Patay sa engkwentro sa mga pulis sa San Pedro Laguna ang isang robbery suspect.

Naganap ang insidente sa Barangay San Vicente alas 3:15 ng madaling araw kung saan nasawi ang isang hindi pa nakikilalang suspek na lalaki.

Sa reklamo ng biktimang si Emerson Santos, 40 anyos, apilitang kinuha ng suspek ang kaniyang motorsiklo na Yamaha Mio habang minamaneho niya ito pauwi sa kaniyang bahay.

Tinutukan umano siya ng baril ng suspek at saka tinangay ang kaniyang motorsiklo.

Agad namang nagkasa ng follow up operation ang mga tauhan ng Special Reaction Team at Mobile Units ng San Pero Police at nang makita ang motorsiklo ng biktima base sa pagkakalarawan nito, pinara nila ang suspek na nagmamaneho.

Perp imbes na huminto, pinaputukan sila ng suspek dahilan para barilin ito ng mga pulis.

Dumaing naman ng pananakit ng dibdib si PO1 Lester John Olivera matapos tamaan ng bala ang kaniyang suot na bulletproof vest kaya dinala siya sa ospital.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...