Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Health Sec. Francisco Duque III na inirerespeto naman nila ang posisyon ng PAO na ang DOH ay hindi pwedeng magsagawa ng imbestigasyon sa usapin dahil sila ang nagpatupad nito noong taong 2016.
Pero ang hindi matanggap ni Duque ay ang pagsasampa pa ng mga “walang kabuluhang” kaso ng PAO laban sa mga opisyal ng kagawaran.
Samantala, sa hiwalay na panayam, sinabi sa Radyo Inquirer ni PAO Chief Persida Acosta na dapat ituon ng DOH ang pansin nito sa pagbibigay ng tulong medikal sa mga pasyenteng naoospital na naturukan ng Dengvaxia.
Ang nakalulungkot pa ayon kay Acosta, may pondo rin na inilaan ang DOH para sa mga nasasawi na tila pa pag-anticipate na mamamatay ang mga batang naturukan ng bakuna.