Inirekomenda ng Malakanyang sa mga employer na ibigay na ng maaga ang 13th month pay ng mga nagtatrabaho sa Boracay island.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque na kanya itong iminungkahi sa huling cabinet meeting.
Ayon kay Roque maigi na ibigay na ang 13th month para makaagapay na mga empleyado na mawawalan ng trabaho habang sarado ang Boracay island at sumasailalim sa rehabilitasyon ng anim na buwan.
Dagdag ni Roque positibo naman ang pagtanggap ng cabinet members tungkol dito.
Bukod dito sinabi ni Roque na ilang mga employer na rin ang kusang nagbigay na ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado.
Gayunpaman, nasa diskresiyon pa rin ani Roque ng mga employer kung susundan ang hakbang ng ilang resort owners gayung boluntaryo lang naman aniya nasabing inisyatibo.